ilang beses ko ng sinubukang isulat ang nararamdaman ko.
ilang ulit ko na rin itong isinawalang bahala.
akala ko na pagkinimkim ko ang lahat ng aking nadarama, mawawala na lang ito ng kusa.
pero hindi pala.
maraming bagay sa buhay ko ang aking pinagsisihan na hindi ko ginawa.
marami rin na ako'y pinanghinayangan dahil nawala.
maraming
"what ifs". maraming
"ay, sayang..."
sa dami nila, natutunan ko ng ibaon na lang sila sa limot.
mahirap kasi. mas mabuti pang pabayaan mo na lang na mawala kesa naman isipin mo masyado at hayaan lang na guluhin nito ang buhay mo.
sinubukan ko ng kalimutan.
pero pucha.
bumalik ka pa.
ayos na ko e.
ok na lang sakin na bigla kang nawala.
ano pa nga ba naman ang magagawa ko kung pinili mong magliwaliw at iwan ako?
bilib ako sayo.
pagkatapos mong biglaang maglaho, biglaan ka rin bumalik.
oo, masaya ako na malamang buhay ka pa pala at naalala mo rin ako pagkatapos ng nakagugulat mong paglisan.
oo, natutuwa ako na, kahit hindi man kasing dalas ng dati, naalala mo akong tawagan o itext man lang.
pero bakit pa?
bakit ka pa nga ba bumalik?
PUNYETA!
hindi mo alam?
anong hindi mo alam?
sorry?
bakit?
ano ba talagang gusto mo?
hindi mo rin alam?
ANAK NG TINAPA!
pakiramdam mo yata ako si madam auring na kayang hulaan lahat ng bugtong na pinapahula mo sakin.
hoy! wala po akong bolang kristal para malaman kung anong nasa loob ng buhol buhol mong utak!
ANG LABO MO!!!!
GULONG-GULO UTAK KO!!!!
ahay...nako po!bat ko nga ba hinahayaang ganyanin mo ang buhay kong dapat ay nasa ayos na...nananahimik ako at eto ka namang pilit na nanggugulo.
sa totoo lang, hindi ko alam kung dapat ko tong isipin.
mukha akong gaga. alam ko. baka hindi man lang nga ako sumasagi sa utak mo e.
pero alam mo, ayos lang. aantayin ko na lang kung san man ako ihipin ng hangin. bahala na lang. kahit nakakatakot.
takot na akong umasa.
pagod na akong magantay.
sa hinaba-haba ng sinabi ko, hindi ko alam kung tama ba itong nararamdaman ko. pucha, e ano bang pakialam niyo?!?! e ganito talaga nasa loob ng puso ko.
ok lang...magaantay na lang ako...ewan ko kung hanggang kelan...ewan ko kung hanggang saan ang makakaya ko...
ni hindi ko nga rin alam kung anong inaantay ko...pero sige lang...kaya ko pa naman...
aantayin na lang kita...baka sakaling balang araw maging akin ka...
you're so vain.....i bet you think this is about you